• All
  • Category 1
  • Category 2

after the love. :)

gravatar

para maintindihan nyo ang previous post ko.

ano at sino-sino ang na mention ko sa previous post ko?

sino ang sister ko? siya si Diana Mae Pamela Macdeda-Saguban. yes, she is married to Ralph Saguban (who happens to have the same name with someone, ehem!) and with RR. she supports me with all of my endeavors in life at kahit kaloka xa minsan, love ko xa.

sino si RR? si RR ang engot ko'ng cousin (paternal side). siya ang guide ko the whole morning na bigla ba naman akong iniwan sa kalagitnaan ng colon. joke lang. hehe. nagpaiwan lang talaga ako sa kanya kasi gusto ko rin mag explore mag-isa dun at gusto ko masanay na naglalakad na mag-isa sa napaka-busy na colon. so yun.

ano ang LEAD career movers? isa xa'ng recruitment agency na hindi ko alam na recruitment agency pala xa until sa briefing ko dun. hahaha. xD located xa sa capitol area, likod ng BO's coffee na nasa kabilang side ng capitol road or something facing Cebu Doctors.

sino si Ms.Irene? xa yung nag interview sa akin dun. OA xa magsalita, swear. feel na feel nya na amerikana xa and infairness, id rather say she is malaysian or indonesian or something kaysa sa amerikana. ew! kadiri xa. pero infairness din naman, xe is approachable. hindi maxadong friendly and pagmumukha nya pero keri narin. hehehe. :)

ano ang sykes? obviously, call center xa. wala akong pwede ma applyan as of the moment kasi hindi ako degree holder. kaloka! medyo malayo xa from capitol area. you have to make 2 rides from capitol. first, take a jeep to colon or Sto.Nino church. next, look for an 03A jeep from there and then yun! papunta ka na sa site nila na may Mcdo, BO's coffee at katabi ng building ay may off-roads cafe at jollibee. waah! a couple of reasons for me na ayusin ang interview ko this friday para makuha ko ang job. waah!

ano at saan ang SOUTH BUS TERMINAL? obviously, self-explanatory kung ano xa. south-bound bus terminal xa. i dont know exactly where xa located basta, from where i stayed (Bulacao, Cebu) mga roughly about 20 minutes ang byahe papunta dun (inclusive of traffic at sangkatutak na badjao na nangangaroling at mga nagtitinda ng tubig sa kalagitnaa ng gyera sa highway). dun sa terminal, hindi lang Ceres ang meron. meron din SUNRAYS bus liner at ibang mga bus liners na hindi familiar sa akin kaya yun. hahaha. xD inside the terminal, merong maraming waiting area that i call "pods". you can find a lot of pasalubong stalls inside too. one of which is Mr.Donut of which i mentioned in my previous post too. what else to say tungkol sa terminal? wala! so may i move on to the next item.

ano ang SEAT NO.45? well, upuan xa infairness naman noh. kailangan pa ba e-elaborate yan? well, malapit xa sa 2nd door ng bus. sa likod xa obviously basing on the number 45. 2nd to the last row xa nga mga upuan sa Ceres on the 3-seater side ng bus (and that is on the left side). mega upo lang ako dun ng maaliwalas kasi walang masyadong pasahero and walang tumabi sa akin dun except sa isang bakla na sumakay sa BARILI stop-over na may SHAMROCK branch.

saan ang BARILI? its roughly around 2 hours away from the SOUTH BUS TERMINAL. technically, half-way ng byahe. mega stop ang mga buses jan to rest, mag-banyo o bumili ng mga pasalubong sa *SHAMROCK.

saan ang BATO? approximately 4 hours (if not, more or less than 4 hours pero d naman aabot ng 5 hours. OA na yun) away from the SOUTH BUS TERMINAL. nanjan ang sangkatutak ng barge papuntang Negros Island na kumakarga ng mga Ceres bus at iba pang vehicles and its much cheaper (kung meron kang sariling sasakyan) kung mag land trip *road trip! haha!*. P70 lang ang pamasahe sa barge compared sa barko na P300. mas makaka save ka talaga. proven and tested. meron namang mas cheaper eh. kung sa *lilo-an ka sasakay (before ka aabot ng BATO, more or less 1 hour away) pero at that time na bumyahe ako, wala nang byahe sa lilo-an kasi hanggang 5pm lang sila dun kaya may i go sa BATO nalang. besides, its much faster here kasi around 45 minutes lang nasa negros ka na compared sa mag barko ka, aabutin ka ng 6 hours. kaloka kaya yun? ok go, nahilo ako sa kaka-explain. next item please...

saan ang TAMPI, Negros? obviously, sa Negros Oriental xa. it comes after Amlan (north to south byahe) and comes right after San Jose (south to north byahe). may pier dito papuntang Cebu which is more accessible by travelers that are going NORTH at yung mga merong sasakyan. kaya yun. enough na. pareho lang sila ng BATO, CEBU. *sigh!*

saan ang home, sweet home? syempre, sa bahay ko! bwahahahahahhaa. xD

*for questions or anything else for that matter, please leave some comments if you ever happen to pass by my blog. thanks. -management.

*SHAMROCK. bilihan ng pasalubong/delicacies in Cebu. pinakasikat xa, like BONG-BONG's of Bacolod. pinaka mabentang pasalubong nila are the OTAP, ROSQUILLOS at BARQUILLOS.

*LILO-AN. pier din xa. kaso, bangka ang sasakyan mo dun papunta ng Sibulan, Negros Oriental. Sibulan comes after Dumaguete City, mga approx. 15 minutes lang.