• All
  • Category 1
  • Category 2

after the love. :)

gravatar

TALUMPATINESS EKLAVOU PATES!

Buong buhay ko, sila ang nag-alaga sa akin at gumabay habang ako ay tumanda. Mula pagkabata, sila ang nagturo sa aking ng mga mahalagang asal na hindi itinuturo sa loob ng apat na pader ng isang pamantasan. Ang aming tahanan ang nagging una ko’ng paaralan at sila ang mga naging una ko’ng mga guro.

Sila ang bumangon sa akin ng ako’y madapa at ngapahid ng aking mga luha. Sila ang naging una kong barkada at kaagapay ko sa hirap at ginhawa. Baka nagatataka kayo kung sino ang tinutukoy ko.

Magandang umaga mahal ko’ng guro Gng. Lourdes Ramirez at sa aking mga tagapakinig, aking mga kaklase, magandang umaga rin sa inyo. Ang paksa ko para sa umagang ito ay tungkol sa mga saloobin at mga karanasan ko sa aking pamilya.

Hindi biro ang mapabilang sa isang pamilya kung saan bawat kasapi ay may kanya-kanyang paniniwala at prinsipyo sa buhay. Bawat araw na dumadaan sa imong buhay, samu’t saring aral ang akin natututuna. Sa nagdaang dalawmpu’t isang taon, marami akong mga nagawang kasalanan at ikinagalit ng aking pamilya.

Pero, nasaan ako ngayon? Nasa piling pa rin ako ng aking pamilya. Bilang pagbibigay pugay sa kanila, ang mga sumusunod ko’ng ibabahagi sa inyo ay ang mga katangian na hinahangaan ko sa kanila sa paraan na hindi lamang nila ako tinuruan maging kung ano man ako ngayon, pati na rin kung paano maging mabuti sa aking kapwa.

Una, nagpapasalamat ako sa poo’ng may kapal dahil binigyan niya ako ng isang huwarang ama. Ang aking ama ay isang taong mapagkumbaba, maawain, matulungin at hindi makasarili. Lampas man sa langit ang galit niya sa akin, pinatawad pa rin niya ako at kinalimutan ang lahat ng nagawa ko sapagkat mahal niya ako at ako ay pamilya.

Sinabi pa niya sa akin na sa aming magkakapatid, ako raw ang pinaka-paborito niya kaya’t ano man ang gawin ko, baliwala sa kanya ang lahat. Basta nakikita niya lang ako araw-araw na masaya, masaya na rin siya.

Nakakatawa man pakinggan pero hinahangaan ko ang aking ina na may M-16 rifle na bunganga. Araw-araw, putak ng putak ng walang preno. Kung makapagsalita ay parang wala ng bukas kung tutuusin. Pero, ano ba talaga ang dahilan kung bakit ko siya hinahangaan? Sapagkat, bawat araw na putak siya ng putak, ni minsan ay nagakamali siyan sa kanyang mga sinabi. Bawat pangangaral, bawat sermon, lahat ay tama. Wala siyang pagkukulang sa mga payo at tila hindi rin siya nauubusan nito kaya, yun and dahilan kung bakit hinahangaan ko siya.

Sa mga kapatid ko, kahit pa minsan-minsan ay brutal nila akong sinasaktan, ganun pa man ay tinatanggap ko ang lahat ng mga pasakit nila sa akin sapagkat, para sa akin, ang mga pananakit nila sa akin ay isang paraan para matutunan ko ang kahalagahan ng buhay at para hindi ko sasayangin ito. Ang mga pananakit na ito ay hindi dahil sa minamaliit nila ang kakayahan ko at ang aking pagkatao. Pa minsan-minsan raw ay kailangan gumamit ng dahas para matuto. Kung sa bagay, matigas nga naman ang ulo ko kaya nararapat lang sa akin na gamitan ng dahas dahil kung hindi, wala akong matututunan.

Lahat nga mga hinanakit sa aking pamilya ay itinatago ko sa aking sarili. Hindi ito dahil sa poot na aking nararamdaman, kundi ito ang pinagkukunan ko ng lakas at determinayon na magabago ako. Iniisip ko sa sarili ko na, baling araw, ipapakita ko rin sa inyo na may natutunan ako sa inyo at pinagsisihan ko ang lahat ng mga kasalanan ko at handa akong magpawis ng dugo sa pagsisikap kung yun man ang ikaliligaya nila.

Sa pagbabalik ko sa pag-aaral, ginagawa ko ang lahat para mapasaya ang aking pamilya. Sa pag-uwi ko gabi-gabi, kahit gaano man ako kapagod at kaantok, pagsisibilhan ko pa rin ang aking pamilya sa pamamgitan ng pagsunod sa bawat utos nila.

Kahit sa mga konting bagay na ito, alam ko na napapasaya ko sila. Sa paraang ito, napapanatili ko ang samahan naming sa pamilya. Dahil ditto, pinapatatag ko ang aming samahan na kung tutuusin ay hindi matanto sapagkat malaki ang agwat ko sa edad nila at minsan ay nahihirapan akong makisabay sa kanila. Minsan nga ay tinatanong ko nalang sila kung ano ang gusto nila para alam ko kung ano ang dapat kong gawin para lang mapasaya ko sila.

Sa kabila ng lahat, mahal ko pa rin ang aking pamilya. Tawagin niyo man akong isang taong sunod sa utos o sunudsunuran pero yun lamang ang tanging paraan na alam ko na masuklian ang lahat ng kanilang ginawa para sa akin.

Alam ko, sa pagdating ng panahon na ako ay lilisan sa kanilang piling, kung ano man ang mangyari sa akin sa kapangyarihan ng may kapal, sila lang ang mga tanging tao na alam ko na sa kabila ng lahat, ay tatanggapin pa rin nila ako sa kanilang piling ng walang bahid ng poot, pagsisisi at pag-aalinlangan dahil sila ay ang aking pamilya.

Maraming Salamat at sa makahuli, Magandang Umaga.