the story of lola basyang in my head
as i went for a stroll in the park, i saw an old lady and her grand-daughter walking side by side through the stony boulevard sidewalk. i cant help but stare at them for i was marveled by their presence. watching them made me realize of what future i might have, if i would be that old woman being accompanied by my grand-daughter or grand-son, strolling in the parking late in the afternoon basking under the warm rays of the sun. anyway, going back to the story. i cant help but come up with a perfect dialogue for them, since im a couple of meters away from them and i cant hear them, so i made up my own conversation that are results of my wild imagination.
LOLA BASYANG (LB): alam mo apo, hindi ko magawang kalimutan ang aking mga matatamis na alaala dito sa mismong boulevard na'to
APO(grand-daughter): pwede ko ba'ng malaman kung ano yun, lola?
LB: aba syempre naman. wala naman tayo'ng ibang pwede'ng gawin dito sa park kundi mag-kwentuhan.
LB: isang araw nu'ng ako ay isang dilag pa, may nakilala akong lalake dito, OO, dito mismo sa park na 'toh at ang pangalan niya ay si edgar. alam mo, nu'ng una ko siya'ng makita, akala ko, isa siya sa mga lalakeng gusto ako paglaru-an. pero nu'ng araw na yun, dun ko nalaman na natatangi siya, espesyal siya at alam ko na hindi ko makakalimutan ang araw na yun.
APO: ganun po ba? eh ano ang nangyari?
LB: naging madalas ang pagkikita namin dito. eh, halos araw-araw na yata kami'ng nagkwekwentuhan dito at sa banda'ng huli, naging malapit kami sa isa't-isa.
APO: si lolo po ba ito'ng lalake na sinasabi mo lola?
LB: hindi. si edgar, siya ang aking "first love".
APO: huh? pwede ba yun? bakit naman po hindi?
LB: hindi pwede kasi si edgar ay isang sundalo noon sa rebolusyon. nagkagulo ang buong pilipinas at halos sa lahat ng sulok, may gyera.
APO: ganun po ba? eh, ano'ng nangyari sa kanya?
LB: dumating ang araw na ipinagtapat niya sa aking ang totoo niya'ng pagka-tao,na isa siya'ng sundalo at kasali siya sa rebolusyon. simula noon, hindi na ako nakipagkita sa kanya. nung araw na yun, sinabi ko sa kanya na hindi ko gusto'ng umibig sa isang tao na nabubuhay sa pakikipagpatayan sa kapwa niya.
APO: huh? ang sakit mo naman magsalita lola. hindi po ba siya nasaktan sa mga sinabi mo sa kanya?
LB: siguro, nasaktan siya nang husto. ilang araw niya ako'ng sinusundan, nagdadasal siya na patawarin ko siya dahil sa hindi niya pagsabi sa aking kaagad kung ano siya at bigyan ko siya ng isa pa'ng pagkakataon, pero naging matigas ako at hanggang sa bigla na siyang nawala at hindi na kami nagkita'ng muli.
APO: ano po ang nangyari sa kanya?
LB: sumama siguro sa gyera at ipinagpatuloy ang mga pangarap niya sa buhay bilang isang sundalo at hindi na kami nagkita simula nun. hanggang ngayon, nasa isip ko pa rin siya sa kabila ng lahat.
APO: ganun po ba. sayang noh? siya sana ang naging lolo ko ngayon.
LB: Oo iha, siya sana.
Post a Comment